CEBU CITY
Sa aking lakbay sanaysany aking efi-feature ang lugar kung saan ako lumaki, ang Cebu. Ibabahagi ko ang aking mga napuntahan na tanawin at pasyalan na sa lalawigan ng Cebu mo lang makikita.
Ang destinasyon na palagi naming dinadayo ng aking ina ay ang Basilica Menore Del Santo Nino, isa itong simbahan na pinupuntahan ng mga Cebuano, kadalason tuwing biyernes ng Linggo. Dito sa Simbahang ito makikita ang batang Diyos na si Santo Nino. Dito nagsisimba ang mga cebuano dahil pinapaniwalaan na ang "Balaang Bata" ay maawain at didinggin ang iyong dasal. Katabi ng Basilica ang Magellan's Cross, ang Magellan's cross ay isang Kristyanong krus na tinanim ng mga manggagalugad na Portuges at Espanyol na pinangunahan ni Fernando de Magallanes nang marating nila ang Cebu sa Pilipinas noon 15 Marso 1521.
Ang Simala Shrine ay isa ring bantog na simbahan sa lalawigan ng Cebu, para sa akin ito ang pinakamagandang simbahan na aking napuntahan, dahil sa lawak at laki nito, ito rin ay nasa probinsya kung kayat napapalibutan ito ng mga matataas na puno. Sariwa ang hangin sa lugar na ito, ang mga tao rin ay napaka maasikaso at talagang mararamdaman mo ang kanilang mainit na bati kapag pumunta ka dito. Bago mo marating ang Simala Shrine ay mauuna muna kayong makarating sa Lungsod ng Carcar kung saan narito ang mga masasarap na delikasiya ng mga Cebuano, isa na riyan ang chicharon na siyang dinarayo ng karamihan.
Ang kasunod naman na aking paboritong pasyalan ay ang busay, dito mo makikita ang kabuuan ng cebu sapagkat nasa tuktok ito ng cebu kung kaya't kitang kita mo ang kagandahan ng buong Cebu kapag ikaw ay nagpunta sa busay. May iilang pasyalan na akon napuntahan roon kabilang na riyan ang Sirao Garden kung saan makikita mo ang mga nag gagandahan at makukulay na mga bulaklak. Ang Temple of Leah, sinasabing ang templo na ito ay simbolo ng pagmamahal ng may ari na kanyan iniaalay ang templo na ito sa kanyang namayapang asawa. Napakaganda ng temple of leah na kung ikaw ay makakapunta doon ay maiisip mo na nasa isa ka sa mga templo ng Greece. Pang huli ang La Vie in the Sky, isa itong restaurant na may magagarang interyo at saktong sakto kung ikaw ay mahilig sa pagpipiktyur piktyur, masasarap ang pagkain sa La Vie ngunit may kamahalan nga lamang.
Ngayon naman ay magtungo tayo sa mga bantog na maga mall sa Cebu, nabibilang na riyan ang Ayala Center Cebu, SM Cebu at ang SM Seaside. Sa katunayan ay may marami pang ibang malls na makikita mo sa Cebu ngunit ang tatlong ito ay ang aking mga paborito at madalas ko na pasyalan.
Ang SM Seaside ang pinakamalaking Mall sa Cebu, ito medyo malayo layo sa mismong syudad ng Cebu, ngunit worth it naman ang layo nito. Minsan lang kami magpunta ng aking Ina sa Mall na ito dahil sa layo nito, pumupunta lamang kami rito kapag mayroong mga okasyon at dito namin pili na e selebra ang okasyon.
Maraming kang mapag pipilian sa Mall na ito dahil sa lawak at laki nito, nandito lahat ng iyong kinakailangan, sa katanuyan ay aabot ka ng ilang oras bago mo malibot ang buong mall na ito. Magaganda ang interyo at maaliwalas ang kapaligiran dito.
Katabi ng SM Seaside ay ang Il Corso, ito ay bagong pasyalan na nagbukas sa publiko. Ang karanasan ko roon ay maganda sapagkat ang il corso ay naka locate malapit lamang sa dagat. Masarap ang simoy ng hangin at nakaka aliw rin ang rami ng tao na dumadayo roon. Hindi lang ang hangin ang nakakagaaan sa pakiramdam, pati na rin ang mga pagkain dito.
Kung mayroon Time Square and New York, dito sa Cebu ay mayroon naman kaming Colon Street kung saan nandito lahat ng mga affordable na mga bilihin may mga ukay-ukay at mga samot saring mga street foods na tiyak na iyong babalik balikan. Ang colon ay hindi kahit kailanman nawawalan ng mga tao kahit gabi man o araw, lahat ng mga tao na nandito ay bibili o hindi kaya sila ang nagtitinda. Nararapat nga lamang mapagmatyag ka sa iyong mga gamit dahil naglipana rin dito ang mga snatcher dahil na rin ito sa rami ng tao na dumadayo rito.
Iyon ang mga destinasyon na aking napuntahan sa aking sinilangan na lalawigan, alam kong may marami pang mga tanawin at pasyalan ang hindi ko nabanggit ngunit isa lang aking masasabi, Cebu bahandi ka ni-ining dughan ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento