LAKBAY SANAYSAY NI REYMOND S. ORTEGA
Mactan- Cebu International Airport
Sa pagdating nyo dito sa Cebu, Ito ang unang imprastraktura na bubungad sa inyo. Ang paliparan na unang binuksan noong Setyembre,1961 nagsilbing paliparang pang emerhensiya na ginamit ng mga Amerikanong sundalo. Ngayon ay mas pinaganda na talagang nakamamangha ang disenyo lalo pa na ito'y hango sa mga bagay na may kaugnayan sa ating pagkapilipino.
Magellan's Cross
Isa ito sa mga talagang binibisita ng mga tao hindi lang dahil ito ay makikita sa nga libro kundi dahil sa simbolismo at epekto ng pagkakatayo nito. Ang mga tao ng Cebu ang pinaka unang naging Katoliko sa pamamagitan ng mga Espanyol na mga pari na noon ay naglakbay. Hanggang ngayon binibisita parin ito ng mga tao upang magdasal.
Cebu It Park
Tinaguriang business park ng Cebu dito makikita ang iba't ibang mga kompanya tila ba dito ang puso ng komersyo.Ito ay hindi lang kilala bilang nightlife spot dahil dito Nakapaloob na dito ang mga restaurants na naghahain ng local at pang international na mga putahi dito rin matitkman ang iba't - ibang pagkain ng Cebu, Sa Sugbo Mercado. Dito rin makikita ang isa sa pinakamalaking malls sa Cebu ang Ayala Malls
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento